|
Procedure para sa Tahong at sauce
1. Linisin at alisan ng tubig ang tahong.
2. Ilagay sa kaldero at painitan hanggang sa bumukas ang mga ito.
3. Alisan ng tubig (muscle juice) at ibalik sa apoy hanggang sa wala ng muscle juice na lumalabas mula sa tahong.
4. Para sa sauce, maghalo ng tubig, toyo at Knorr Liquid Seasoning.
5. Lagyan ng Knorr Tamarind Cubes at painitan.
6. Lagyan ng asukal at hintayin hanggang sa mag caramelize.
7. Lagyan ng suka, pamintang durog at chili powder at pakuluan hanggang sa lumapot ito.
8. Ibuhos ang sauce sa mga tahong.
Procedure para sa Fried Rice
1. Mag gisa ng hipon sa butter. Pag luto na, tangalin ang hipon at hiwain ng maliliit.
2. Isalin naman ang kanin sa butter na pinag-gisahan ng hipon.
3. Sunod, ilagay ang hiniwang hipon at ang red and green bell pepper.
4. Budburan ng Knorr Meaty Seasoning Mix at pamintang durog at haluing mabuti.
|